Sponsored Links
Advertisement

Maaari Pa Bang Isanla sa Iba Ang Bahay o Lupa Na Nabili Na “As Is Where Is”?


“ANO ANG EPEKTO KUNG ANG BAHAY O KOTSE AY NABILI MO NA “AS-IS-WHERE-IS” BASIS?”

ANG TAONG PUMIRMA NG ISANG KONTRATA NG PAGBILI UNDER “AS-IS-WHERE-IS” BASIS AY BUMIBILI NG BAGAY NA ITO, TULAD NG BAHAY AT LUPA O KOTSE AY BINIBILI NIYA ITO SA KASALUKUYANG KALAGAYAN AT HINDI NIYA PWEDENG IKANSELA ANG KONTRATA O UMURONG DITO DAHIL SA NAKITA NIYANG DEPEKTO NITO. KUNG NAGKAPIRMAHAN NA, HINDI NIYA PWEDENG BAGUHIN ANG NAPAGKASUNDUAN DAHIL ANG KONTRATA NA PINIRMAHAN NG DALAWANG TAO AY ANG BATAS NA SUSUNDIN SA PAGITAN NILA.

May nagtatanong sa E-Lawyers Online tungkol sa pagbili ng acquired assets ng Pag-ibig house and lots o kaya ng mga kotse na second-hand at kalimitan na nakalagay sa kontrata nila ay “as-is-where-is basis” Ano ba ang ibig sabihin nito at legal na epekto nito? Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Meron ako nabili atty sa Pag-ibig na acquired assets pero nandoon pa ang dati buyer. SAbi daw ay aalis din. After namin magpirmahan at mabayaran sa Pag-ibig, ayaw umalis ng nandoon na tao at sabi namin sa Pag-ibig na paalisin nila. Ayaw po na makialam ang Pag-ibig dahil “as-is-where-is basis” daw po ang bentahan. Ano po ibig sabihin nun? Pwede ba namin i-kansela na lang usapin namin sa Pag-ibig atty?”

“Atty., bumili po kami ng 2nd hand na pick-up pero after 15 days ay madami na agad sira at tumirik pa. Gusto na namin ibalik sa nagbenta dahil ayaw niya i-repair, sabi daw ay AS-IS-WHERE-IS ang nasa deed of sale namin. Totoo po ba yun, may habol po ba kami atty?”

Ang pagpirma sa isang kontrata ay dapat gawin pagkatapos pag-aralang mabuti ang mga terms and conditions nito at tingnan kung ang mga ito ay katangap-tangap sa taong pipirma nito at magpapasan ng mga obligasyon dito. Katulad ng pagbili ng isang house and lot o condominium unit o kaya ng kotse. Katulad ng isang kontrata na “as-is-where-is basis” kung saan ang bumibili ng isang bagay ay tanggap niya sa mata ng batas na ang binibili niya ay ang kasalukuyang kundisyon o kalagayan ng bagay at hindi siya pwedeng magreklamo pagkatapos ng pirmahan na hindi niya alam ang anumang depekto. Kung papasok sa ganitong kontrata, mahalaga ang advice ng isang abogado at ng technical expert upang ma-identify ang mag depekto sa bagay na bibilhin upang mabili ito sa tamang presyo o kaya ay makaiwas na bilhin ito kung malaki ang depekto.

Kung pumirma na ang partidos sa “as-is-where-is basis” na kontrata at saka siya magrereklamo sa anumang depekto nito, hindi na siya pwedeng magkansela nito ng walang pagpayag ang kabilang partidos. Ang taong pumirma ng ganitong kontrata ay hindi na niya pwedeng baguhin ito at hindi niya pwedeng sabihin na hindi niya nabasa ang kontrata, o hindi pinaliwanag sa kanya at bawiin ang pera niya.

Ang taong pumirma na ng kontrata ay hindi pwedeng magdagdag ng anumang terms and conditions na wala sa kontrata gawa ng Parol Evidence Rule under Section 9, Rule 130 ng Rules of Court (Evidence). Ang rule na ito ng batas ay nagsasabi na kung ang mga partidos ng isang kontrata ay nilagay nila ang napagkasunduan na mga terms and conditions sa isang dokumento, hindi pwedeng baguhin, i-amend o magtanggal ng anumang terms or conditions ang isang partido. Katulad ng 2 readers na nasa itaas na pumirma ng “as-is-where-is basis” na kontrata, hindi sila pwede pumunta sa korte at ipakansela ang kontrata dahil may occupant ang bahay o kaya may depekto ang sasakayan dahil malinaw ang kontrata na binili nila ito sa kasalukuyang kalagayan at payag sila dito.

“It is basic that a contract is the law between the parties. Obligations arising from contracts have the force of law between the contracting parties and should be complied with in good faith. Unless the stipulations in a contract are contrary to law, morals, good customs, public order or public policy, the same are binding as between the parties.” [Roxas v. De Zuzuarregui, Jr., 516 Phil. 605 (2006).]

Marami nang Supreme Court decision ang nagsasabi na ang kontrata ay obligasyon ng mga pumirma dito at pag ito ay napirmahan ay dapat irespeto dahil ito ang batas sa pagitan ng mga taong pumirma nito. Ito ang source ng batas sa pagitan ng pumirma ng kontrata at pinanggagalingan ng karapatan at obligasyon ng mga partidos (G.R. No. 183789, PSALM vs. Pozzolanic Phils, Inc. Aug. 24, 2011). Kung kaya dapat ay pag-aralang mabuti ang kontratang pipirmahan para hindi mapahamak at upang malaman kung anong obligasyon ang hinaharap dito.

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa tamang pag-aaral ng kontrata at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply