Sponsored Links
Advertisement

Kapag May Nakuha Bang CENOMAR, Maaari Ng Magpakasal Ulit?


 

ANO ANG “CENOMAR”? KUNG MAY NAKUHA KA BANG GANITO, PWEDE KA BANG MAGPAKASAL MULI KAHIT KASAL KA PA SA UNANG ASAWA?”

ANG “CENOMAR” O CERTIFICATE OF NO MARRIAGE AY ISANG DOKUMENTO NA BINIBIGAY NG PHILIPPINE STATISTICAL AUTHORITY (NOON AY NATIONAL STATISTICS OFFICE O NSO) NA NAGSESERTIPIKA NA ANG TAONG NAKALAGAY SA NASABING DOKUMENTO AY WALANG RECORD NA KASAL SA KANILA.

ANG PAG-ISSUE NG GANITONG DOKUMENTO SA ISANG TAONG KASAL AY HINDI NAGBIBIGAY SA KANYA NG KARAPATAN NA MAGPAKASAL MULI SA IBANG TAO NG WALANG FINAL NA DECISION NA NAGPAPAWALANG BISA NG KANYANG UNANG KASAL DAHIL ANG KASAL NA WALANG RECORD O HINDI NAREHISTRO ANG MARRIAGE CONTRACT SA NATIONAL STATISTICS OFFICE (NSO) AY MANANATILING MAY BISA AT VALID NA KASAL. ANG MARRIAGE CONTRACT AY ISA LAMANG NA EBIDENSIYA NG KASAL PERO ANG KAWALAN NITO AY HINDI NAKAKAAPEKTO SA BISA NG KASAL DAHIL ANG KASAL AY MAPAPATUNAYAN NG IBA PANG EBIDENSIYA KATULAD NG MGA TESTIMONIYA NG WITNESSES AT SOLEMNIZING OFFICER SA KASAL, PICTURE, VIDEOS AT IBA PANG DOKUMENTO NG MAG-ASAWA.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede sila magpakasal ng ikalawa dahil may nakuha silang CENOMAR dahil hindi daw lumabas ang record ng unang kasal nila sa PSA/NSO. Ganito ang question ng reader:

“Magandang gabi atty, kasal po ako sa simbahan sa first wife ko at may nakuha po akong Cenomar sa NSO dahil nagtry po ako kumuha ng marriage contract ko dahil balak ko magfile ng annulment. Lumabas atty na walang record po kami. Pwede na bang magpakasal sa GF ko na walang annulment. Sapat na ba ang Cenomar para hindi ako makasuhan ng bigamy?”

Ang CENOMAR o Certificate of No Marriage ay ang tinatawag na NSO Form No. 4 if walang record ng marriage na lumabas sa tao na nag-apply sa NSO/PSA at NSO Form No. 5 Advisory of Marriage kung meron naman nakitang record na marriage sa tao. Karaniwang akala ng mga friends sa E-Lawyers Online na kung walang marriage contract or walang rehistro ng marriage sa NSO ay void na ang kasal at pwede na uling magpakasal. Akala ng marami na kung nakakuha ka na ng Cenomar kahit walang final na decision ang korte para ipawalang bisa ang kasal nila ay pwede na sila na magpakasal muli.

Mali ang pananaw na ito. Ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi pa annulled ang unang kasal kahit hindi ito nakarehistro sa NSO ay isang delikadong desisyon dahil pwedeng kasuhan sila ng krimen na bigamy.

“He who contracts a second marriage before the judicial declaration of nullity of the first marriage assumes the risk of being prosecuted for bigamy, and in such a case the criminal case may not be suspended on the ground of the pendency of a civil case for declaration of nullity. x x x x x x x x x x The reason is that, without a judicial declaration of its nullity, the first marriage is presumed to be subsisting.” [Marbella-Bobis v. Bobis, 391 Phil. 648 (2000)]

Nasa Article 23 ng Family Code na ang solemnizing officer ng kasal o ang pari, judge, ministro, imam o mayor ang may obligasyon na ipasa sa local civil registrar within 15 days mula sa araw ng kasal ang pirmadong marriage contract/marriage certificate ng kinasal. Ang local civil registrar naman ang may obligation na i-record at ipasa ang nasabing marriage contract sa NSO Central Office para ito ay malagay sa central database.

Art. 23. It shall be the duty of the person solemnizing the marriage to furnish either of the contracting parties the original of the marriage certificate referred to in Article 6 and to send the duplicate and triplicate copies of the certificate not later than fifteen days after the marriage, to the local civil registrar of the place where the marriage was solemnized. Proper receipts shall be issued by the local civil registrar to the solemnizing officer transmitting copies of the marriage certificate. The solemnizing officer shall retain in his file the quadruplicate copy of the marriage certificate, the copy of the marriage certificate, the original of the marriage license and, in proper cases, the affidavit of the contracting party regarding the solemnization of the marriage in place other than those mentioned in Article 8. (68a)

Kung minsan ay napapabayaan ng mga solemnizing officer ang pagsubmit o pagpasa ng mga marriage contract kung kaya hindi ito narerehistro sa NSO. Ngunit ang kapabayaan ng solemnizing officer o local civil registrar sa hindi pagrehistro ng kasal sa record nila ay hindi nangahuhulugan na walang bisa ang kasal dahil ang registration ng marriage contract ay hindi essential o formal requirements para maging mabisa ang isang kasal.

Ang kasal na walang record o hindi narehistro ang marriage contract sa Philippine Statistical Authority (PSA) o National Statistics Office (NSO) ay mananatiling may bisa at valid na kasal. Ayon sa Supreme Court case na Mariategui vs. Court of Appeals, [G.R. No. L-57062 January 24, 1992] “the mere fact that no record of the marriage exists does not invalidate the marriage, provided all requisites for its validity are present (People vs. Borromeo, 133 SCRA 106 [1984])” Ang marriage contract na nakarehistro sa NSO ay isa sa mabisang ebidensiya ng kasal ngunit ang kawalan nito ay hindi nakakaapekto sa bisa ng kasal dahil ito ay mapapatunayan ng iba pang ebidensiya katulad ng picture, video, invitations, wedding announcements sa newspaper, testimoniya ng mga witnesses at ng solemnizing officers at iba pang dokumento katulad ng baptismal certificate at birth certificate ng mga anak [Sarmiento vs. Court of Appeals, 305 SCRA 138 (1999)].

Ganun din, ang reputasyon at pagkakakilala sa mag-asawa ng community nila bilang kasal sila at ang publiko at hayagan nilang pagsasama bilang kinasal na mag-asawa ay pwede ring gamitin na evidence dahil merong presumption ang batas na ang isang babae at lalaki na nakikita ng publiko bilang husband and wife ay presumed ng batas o kinukunsidera ng batas na sila ay kasal. The laws presume that a man and a woman, deporting themselves as husband and wife, have entered into a lawful contract of marriage;(Section 5 (z), Rule 131, Rules of Court).

Sabi sa isang Supreme Court case [Trinidad vs. Court of Appeals, G.R. No. 118904. April 20, 1998] “when the question of whether a marriage has been contracted arises in litigation, said marriage may be proven by relevant evidence. To prove the fact of marriage, the following would constitute competent evidence: the testimony of a witness to the matrimony, the couples public and open cohabitation as husband and wife after the alleged wedlock, the birth and the baptismal certificates of children born during such union, and the mention of such nuptial in subsequent documents.”

Kahit may hawak na Cenomar ang isang tao, pwede pa rin patunayan na meron siyang unang kasal sa pamamagitan ng iba pang evidence ng marriage katulad ng testimoniya ng mga pumunta sa kasal, birth certificate at baptismal ng mga anak at iba pang dokumento na naglalahad na kasal siya sa isang tao.

ANG PAGKAKAROON NG CENOMAR GALING SA NSO AY HINDI NAGBIBIGAY NG KARAPATAN SA ISANG TAONG KASAL NA MAGPAKASAL MULI SA IBANG TAO DAHIL PWEDE SIYA KASUHAN NG KRIMEN NA BIGAMY SA PAMAMAGITAN NG PAGPRESENTA NG IBANG EBIDENSIYA NG KASAL.

Kung kaya ang pagkakaroon ng Cenomar o kawalan ng record o rehistro ng marriage contract sa NSO ay hindi nagbibigay ng karapatan sa isang taong kasal na, na magpakasal muli sa ibang tao na hindi pa na-annul ang unang kasal dahil pwede siya kasuhan ng krimen na bigamy sa pamamagitan ng pagpresenta ng ibang ebidensiya ng kasal bukod sa marriage contract. Ang bigamy ay isang criminal offense kung saan pinaparusahan ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa isang annulment case. Ito ay nakasaad sa Article 349 ng Revised Penal Code “the penalty of prision mayor (from six (6) years and one day to (12) twelve years) shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply