Sponsored Links
Advertisement

Legal Bang Idagdag Ang Tubo Sa Utang Kung Hindi Nabayaran?


“ATTY., LEGAL PO BA ANG SINISINGIL SA AKIN NG LENDING COMPANY KUNG SAAN ANG TUBO O INTEREST NA HINDI KO NABAYARAN AY DINAGDAG NILA SA UTANG KO AT SAKA TINUBUAN PA ULI?”

ANG VERBAL NA UTANGAN NA MAY USAPAN TUNGKOL SA TUBO SA UTANG O INTEREST AY HINDI PWEDENG MASINGIL KUNG WALANG KASULATAN UKOL DITO. ANG PWEDE LAMANG NA MASINGIL AY ANG MISMONG UTANG O PRINCIPAL. ANG COMPOUNDED INTEREST AY ANG PAGSINGIL SA TUBO O INTEREST SA MGA HINDI NABAYARAN NA TUBO SA UTANG NA ISINASAMA SA PRINCIPAL. GANUN DIN, ANG HINDI NABAYARAN NA TUBO O INTEREST SA MGA HINDI NABAYARAN NA TUBO SA UTANG NA ISINASAMA SA PRINCIPAL AY HINDI PWEDENG SINGILIN KUNG WALANG MALINAW NA KASULATAN DITO ANG MGA PARTIDOS.

Marami sa mga readers ng E-Lawyers Online ang may problema sa utang at nagtataka sila kung bakit biglang lumaki ang utang nila sa mga lending company. Ganito ang problem ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Hi po atty. Umutang po ako sa small lending ng P20,000 at hindi lamang po ako nakabayad ng 5 buwan ay naging almost P35,000 na agad dahil daw hindi ako nagbayad ng tubo sa loob ng 5 buwan. Tawag daw dun ay compounded interest na pinirmahan ko sa kanila. Legal ba yon atty?

Karaniwan na ang mga utangan na nangyayari ay salita lamang ngunit ito ay hindi tamang gawain at walang proteksiyon sa nagpapautang. Ang pagpapautang ay dapat may kasulatan upang madaling masingil sa korte. Ganun din, ang kasulatan ng pagpapautang ay dapat malinaw kung magkano ang tubo na sisingilin sa umutang. Ang tubo o interest sa utang ay hindi masisingil kung wala ito sa kasulatan o hindi nakalagay sa agreement. Ang Article 1956 of the New Civil Code ay nagsasaad na “hindi pwedeng sumingil ng tubo o interest sa perang pinautang kung ito ay hindi napagkasunduan sa isang kasulatan” (No interest shall be due unless it has been expressly stipulated in writing). Isang halimbawa na ito ay ang pagsingil ng isang tao na nagpautang ng 5% per month na walang kasulatan ay hindi ito masisingil dahil sa kawalan ng ebidensiya dito. Kung kaya ang mga nagpa-utang na walang kasulatan ay hindi kayo pwede pilitin na singilin ang mataas na tubo kung wala kayong kasulatan.

Paano naman ang patong-patong na interest o tubo? Allowed ba ito ng batas?

Oo. May batas na pumapayag na ipatong ang tubo na hindi nabayaran at isama sa principal/utang para ito ay tubuang muli. Ang tawag dito ay compounding of interest. Ito ay nasa Article 1959 of the New Civil Code, which provides that:

“Without prejudice to the provisions of Article 2212, interest due and unpaid shall not earn interest. However, the contracting parties may by stipulation capitalize the interest due and unpaid, which as added principal, shall earn new interest.”

Malinaw sa batas na ang compounding of interest ay dapat nakasulat at pinagkasunduan ng nagpapautang at umuutang. Kung walang pinirmahan na kasulatan para dito ang umutang, hindi siya pwedeng singilin ng patong-patong na interest o tubo sa utang.

Pwede mo bang pababain o bawasan ang patong-patong na tubo kung ito ay part ng penalty?

Oo. Ito ay ayon sa Article 1229 ng New Civil Code, which provides that:

“Art. 1229. The judge shall equitably reduce the penalty when the principal obligation has been partly or irregularly complied with by the debtor. Even if there has been no performance, the penalty may also be reduced by the courts if it is iniquitous or unconscionable.”

Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa problema sa utang o tamang pagbibigay ng tubo sa pautang, register at my website at www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply