Sponsored Links
Advertisement

Makakasuhan Ba Kung Ang Nanay Hindi Sumusuporta Sa Anak?


USAPANG ECONOMIC ABUSE AT PAGPAPABAYA NG INA NG BATA:

PAANO KUNG ANG NANAY ANG HINDI NAGSUSUPORTA SA EDUKASYON NG ANAK?

May mga instances na may mga nanay na “nagdadalaga” at pinapabayaan na lang ang mga anak. Sabi nila na unfair ang batas dahil tatay lamang ang may parusang kulong for economic abuse under RA 9262 kung hindi magsusuporta sa kanilang anak. Alam mo ba na meron din batas laban sa neglect o pagpapabaya ng magulang sa kanyang anak na may parusang kulong at kasama dito ang pabayang ina?

Ang “neglect of child” ay punishable under Article 59(4) of PD 603 o Child and Youth Welfare Code, which provides that:

Art. 59. Crimes. Criminal liability shall attach to any parent who:

xxx xxx xxx

(4) Neglects the child by not giving him the education which the familys station in life and financial conditions permit.

xxx xxx xxx

The crime has the following elements:
(1) the offender is a parent;
(2) he or she neglects his or her own child;
(3) the neglect consists in not giving education to the child and
(4) the offenders station in life and financial condition permit him to give an appropriate education to the child.

Malinaw sa batas na “any parent” ay pwede kasuhan at hindi lamang ama ng bata. Pero kailangan patunayan na elemento na may kakayahang pinansyal ang magulang na magsuporta bago makasuhan sya sa batas na ito.

Sa Supreme Court case na De Guzman vs Perez, GR No 156013, July 26, 2006, sinabi na “the law is clear. The crime may be committed by any parent. Liability for the crime does not depend on whether the other parent is also guilty of neglect. The law intends to punish the neglect of any parent, which neglect corresponds to the failure to give the child the education which the familys station in life and financial condition permit. The irresponsible parent cannot exculpate himself from the consequences of his neglect by invoking the other parents faithful compliance with his or her own parental duties.”

Alamin mo ang rights at obligation mo sa batas bilang magulang. Alamin din mga requirement o dokumento o evidence para sa process ng suporta.

Register at www.lexmeet.com and submit your legal problem. DOWNLOAD Now in Google Playstore at: http://bit.ly/LexMeet

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply