Sponsored Links
Advertisement

May Bisa Ba Ang Kasal Kung Walang Nakarehistro sa PSA/NSO o Local Civil Registrar?


 

USAPANG MARRIAGE CONTRACT:

MAY BISA BA ANG KASAL KUNG WALANG REHISTRO SA PSA/NSO O SA LOCAL CIVIL REGISTRAR?

KAILANGAN BA MAREHISTRO MUNA ANG KASAL PARA MAGING VALID ITO? ANO REMEDY KO KUNG WALANG RECORD?

I-SHARE MO SA FRIENDS MO NA BALAK PAKASAL SA IBA KAHIT KINASAL NA SA UNA DAHIL LANG NA WALANG REHISTRO PSA/NSO O SA LOCAL CIVIL REGISTRAR.

Ayon sa Supreme Court “the best proof of marriage between man and wife is a marriage contract.” [Villanueva, et al. v. Court of Appeals, G.R. No. 84464, June 21, 1991, 198 SCRA 472; Vda. De Chua v. Court of Appeals, 350 Phil. 465 (1998); People v. Alejo, G.R. No. 149370, September 23, 2003, 411 SCRA 563; Tenebro v. Court of Appeals, G.R. No. 150758, February 18, 2004, 423 SCRA 272.] Pero hindi sinasabi dito na marriage contract lamang ang proof of marriage dahil madami pang pwedeng gamitin na proof.

Maraming mga Filipino ang nagkakamali na porke hindi nakarehistro ang kasal sa PSA/NSO ito ay wala nang bisa.

Kung walang rehistro ang isang kasal sa NSO o Local Civil Registrar, ano ang legal na epekto nito?

Ito ay walang epekto sa bisa ng kasal dahil mananatili itong may bisa. Nawawala ang bisa ng kasal kung wala ang essential at formal requirements ng kasal. Ayon sa Article 2 ng Family Code, ang ESSENTIAL REQUIREMENTS para magkaroon ng bisa ang isang kasal ay ang (1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and (2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer. Nasa Article 3 naman ng Family Code na ang mga FORMAL REQUIREMENTS upang magkabisa ang kasal ay: (1) Authority of the solemnizing officer; (2) A valid marriage license except in the cases provided for in Chapter 2 of this Title; and (3) A marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age.

Ang kasal na walang record o hindi narehistro ang marriage contract sa Philippine Statistical Authority (PSA) o dating National Statistics Office (NSO) ay mananatiling may bisa at valid na kasal. Ayon sa Supreme Court case na Mariategui vs. Court of Appeals, [G.R. No. L-57062 January 24, 1992] “the mere fact that no record of the marriage exists does not invalidate the marriage, provided all requisites for its validity are present (People vs. Borromeo, 133 SCRA 106 [1984])” Ang marriage contract na nakarehistro sa PSA/NSO ay isa sa mabisang ebidensiya ng kasal ngunit ang kawalan nito ay hindi nakakaapekto sa bisa ng kasal dahil ito ay mapapatunayan ng iba pang ebidensiya katulad ng picture, video, invitations, wedding announcements sa newspaper, testimoniya ng mga witnesses at ng solemnizing officers at iba pang dokumento katulad ng baptismal certificate at birth certificate ng mga anak [Sarmiento vs. Court of Appeals, 305 SCRA 138 (1999)].

Ganun din, ang reputasyon at pagkakakilala sa mag-asawa ng community nila bilang kasal sila at ang publiko at hayagan nilang pagsasama bilang kinasal na mag-asawa ay pwede ring gamitin na evidence dahil merong presumption ang batas na ang isang babae at lalaki na nakikita ng publiko bilang husband and wife ay presumed ng batas o kinukunsidera ng batas na sila ay kasal. The laws presume that a man and a woman, deporting themselves as husband and wife, have entered into a lawful contract of marriage;(Section 5 (z), Rule 131, Rules of Court).

Alamin mo ang rights at obligation mo sa batas bilang asawa at paano mo ipatutupad ito. Alamin din mga requirement o dokumento o evidence para sa process ng support.


Leave a Reply