Sponsored Links
Advertisement

May Laban Ba Kapag Binawi Ang Lupa Nang Nagbigay?


“ATTY., MAY LABAN BA KAMI SA KORTE KUNG ANG LUPA NA DONASYON SA AMIN NA WALANG PAPEL AY KINUKUHA NG PAMILYA NG NAGBIGAY?”

ANG DONASYON NG LUPA AY KAILANGAN NAKASULAT, PIRMADO NG NAGBIGAY AT TUMANGGAP AT NOTARYADO. ANG DONASYON NG LUPA NA HINDI NAKASULAT, PIRMADO NG NAGBIGAY AT TUMANGGAP AT NOTARYADO AY WALANG EPEKTO AT HINDI MAARING IPATUPAD SA KORTE. BAGO MAILIPAT ANG TITULO SA PINAGBIGYAN NG LUPA NA DONASYON KAILANGAN DIN NIYA NA BAYARAN ANG DONOR’S TAX.

Marami ang nagtanong sa E-Lawyers Online kung pwede ba ipatupad ang donasyon ng lupa sa kanila na verbal lamang at walang kasulatan. Ganito ang question ng isang reader:

“Meron po lupa ang tita ko na nasa USA. Last time ay umuwi siya at sabi sa Papa ko ay donasyon na daw niya ang kalahati ng lupa kaya doon kami nagpatayo ng bahay. Kaso namatay na tita ko at ang asawa at anak nila ay kinuha ang buong lupa. May laban ba kami sa korte atty.?”

Karaniwan sa mga kamag-anak natin na kung may i-donasyon o ibibigay na lupa para sa kinagigiliwang kamag-anak o paboritong kamag-anak ay sinasabi lamang na binibigay niya ang lupa niya ng walang kaukulang kasulatan. Ang ganitong practice ay walang epekto sa batas. Nasa Article 749 ng New Civil Code ang basic requirement ng isang donation of real property para maging epektibo:

“Article 749. In order that the donation of an immovable may be valid, it must be made in a public document, specifying therein the property donated and the value of the charges which the donee must satisfy.

The acceptance may be made in the same deed of donation or in a separate public document, but it shall not take effect unless it is done during the lifetime of the donor.

If the acceptance is made in a separate instrument, the donor shall be notified thereof in an authentic form, and this step shall be noted in both instruments. (633)”

Ayon sa Article 749 ng New Civil Code, upang maging epektibo ang donation ng lupa sa isang tao ay kinakailangan ito na ilagay sa isang dokumento at notaryado. Kaiba sa mga pang-karaniwang kontrata na valid pa rin bagamat hindi ito notaryado. Mahigpit ang batas sa ganitong uri ng donasyon ng lupa sapagkat ito ay nagsasalin ng karapatan sa isang lupain na walang anumang konsiderasyon o bayad. Sa katunayan, maging ang pag-tanggap sa ganitong donasyon ay kinakailangan din na notaryado upang maging epektibo. Ang usual na dokumento para dito ay tinatawag na “DEED OF DONATION.”

Kung meron mang kasulatan na notaryado ang pagdodonasyon ng lupa, hindi rin malilipat ang pangalan ng titulo sa pangalan ng tumanggap ng donasyon kung hindi niya babayaran ang “DONOR’S TAX. Kung ang halaga ng donasyon ng lupa ay P100,000 pababa, ang transaksiyon ay exempted sa Donor’s Tax at kailangan lang ito i-report at ifile sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Kung mahigit sa P200,000 ang halaga ng donasyon na lupa, kailangang bayaran ay 2% in excess of P100,000 at ito ay pataas ng pataas habang tumataas ang halaga ng donasyon. Kung ang nagdonasyon ay isang estranghero o stranger, ayon sa Section 99 ng National Internal Revenue Code, R.A. 8424, ang donor’s tax ay 30% ng kalahatan ng kanyang donasyon. For the purpose of this tax, a “stranger”, is a person who is not a: (1) Brother, sister (whether by whole or half-blood), spouse, ancestor and lineal descendant; or (2) Relative by consanguinity in the collateral line within the fourth degree of relationship.

Ang nagdonasyon ay kailangan magfile ng BIR Donor’s Tax Return sa BIR within 30 days mula sa araw ng pagpirma at notaryo ng donasyon at kailangan bayaran ang tax sa pagkafile nito. Kung hindi ito agad nabayaran ay magkakaroon ito ng penalty/surcharge na 25% of the tax due at legal rate of interest na 12% per annum. Kung nabayaran ito sa BIR, sila ay magbibigay ng BIR Certificate Authorizing Registration (CAR) bilang pahintulot sa paglipat ng titulo ng lupa sa pangalan ng pinagbigyan ng donasyon na nakalagay sa mga nasabing dokumento.

Bukod dito, kailangan din na bayaran ang transfer tax sa munisipyo o city base sa computation nila at bayaran ng buo ang mga amilyar o real estate taxes. Kung nabayaran na ang transfer tax at real estate tax, ang City Treasurer ay magbibigay ng Tax Clearance at Certification of Transfer Tax Payment bilang pahintulot sa paglipat ng titulo ng lupa sa pangalan ng donee. Ang Registry of Deeds ay hindi irerehistro ang “Deed of Donation” at ililipat ang pangalan ng titulo sa mga donee kung wala ang BIR Certificate Authorizing Registration (CAR), Tax Clearance at Certification of Transfer Tax Payment.

Kung gusto nyo magtanong ukol sa donasyon ng lupa, register at my website at www.e-lawyersonline.com .

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.

Kung gusto niyo naman ng video-chat consultation, magregister sa www.lexmeet.com.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply