Sponsored Links
Advertisement

Pwede Ka Ba Magpalit Ng Pirma o Signature Sa Mga Dokumento?


“PWEDE KA BA MAGPALIT NG PIRMA MO O SIGNATURE MO SA MGA DOKUMENTO MO? ANO BA ANG PROSESO PARA DITO?”

ANG SIGNATURE O PIRMA NG ISANG TAO AY ANG KANYANG PERSONAL NA PAGTANGGAP SA ISANG KASULATAN, KASUNDUAN O OBLIGASYON NA NAKASULAT SA ISANG PAPEL. ANG SIGNATURE AY ISA RING PARTE NG KANYANG IDENTITY O PAGKAKAKILANLAN KUNG ITO AY KASAMA SA KANYANG MGA IDENTIFICATION CARDS. WALANG BATAS NA NAGBABAWAL SA ISANG TAO NA BAGUHIN ANG KANYANG PIRMA O SIGNATURE NGUNIT ANG PROSESO NG PAGBABAGO NITO AY MAGIGING IMPRAKTIKAL AT MAGASTOS. 

ANG PANGGAGAYA NG PIRMA O SIGNATURE NG ISANG TAO AY ISANG KRIMEN NA KUNG TAWAGIN NA FALSIFICATION OF DOCUMENT.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwedeng baguhin ang kanyang pirma o signature at kung paano ba ang proseso dito. Ganito ang question ng isang reader ng E-Lawyers Online:

“Since college atty hanggang magwork, may nakasanayan na akong signature pero ng mag start ako magwork sa abroad ay gusto ko na baguhin ang signature ko. Pwede ba yon atty at paano ko maging legal na baguhin ang pirma ko sa government documents ko?”

Ano nga ba ang signature o legal na definition nito: “The act of writing one’s name upon a deed, note, contract, or other instrument, either to identify or authenticate it, or to give it validity as one’s own act. The name so written is also called a “signature.” [Black’s Law Dicitionary]

Ang signature ay ang personal na expression ng isang tao sa isang kasulatan o isang obligasyon na kanyang ina-assume sa isang kasunduan at ito ay nangangahulugan na ito ay kanyang tinatanggap o siya ay pumapayag. Ang signature ng isang tao ay nagproduce ng legal na epekto sa isang kasunduan dahil ito ang katumbas ng “consent” o “pagpayag” ng tao sa isang kontrata. Kung walang signature ang isang kontrata dahil walang consent ang isang partido, void ito at walang bisa ayon sa Article 1318 ng New Civil Code.

Pwede mo ba baguhin ang pirma o signature mo?

Yes. Walang batas na nagbabawal sa isang tao na baguhin ang pirma o signature niya dahil ito ay parte ng kanyang freedom of expression na protektado ng 1987 Constitution:

“Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”

Wala ring batas na nagbibigay ng proseso o procedure kung paano ito baguhin o paano magbago ng signature. Ang pagbabago ng signature ng isang tao ay isang personal na desisyon na hindi pwedeng diktahan ng gobyerno. Ngunit ang pagbabago ng signature ay hindi praktikal at magiging magastos at maraming abala sa isang tao, tulad ng:

1. Kailangan mo na bumalik sa banko para baguhin ang signature card mo upang payagan ang anumang bank transaction based sa bagong signature mo.

2. Kailangan mo na i-recall ang mga tseke na na-issue mo gamit ang lumang signature upang palitan sila ng bagong tseke na may bagong signature mo.

3. Kailangan magpa-issue ka ng bagong government issued identification cards na meron kang bagong signature tulad ng Driver’s License, SSS, BIR, Philhealth at iba pang IDs galing sa gobyerno upang hindi ka mareject ng notary public sa pagnotarize ng legal documents mo dahil magiging magkaiba ang signature mo sa dokumento at sa lumang government issued ID mo. Ito ay required under 2004 Rules of Notarial Practice [A.M. No. 02-8-13-SC, February 19, 2008]:

“Sec. 12. Component Evidence of Identity. The phrase “competent evidence of identity” refers to the identification of an individual based on:

(a) at least one current identification document issued by an official agency bearing the photograph and signature of the individual, such as but not limited to, passport, driver’s license, Professional Regulations Commission ID, National Bureau of Investigation clearance, police clearance, postal ID, voter’s ID, Barangay certification, Government Service and Insurance System (GSIS) e-card, Social Security System (SSS) card, Philhealth card, senior citizen card, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID, OFW ID, seaman’s book, alien certificate of registration/immigrant certificate of registration, government office ID, certification from the National Council for the Welfare of Disable Persons (NCWDP), Department of Social Welfare and Development (DSWD) certification; or

4. Kailangan mo magpa-issue ng bagong Passport upang hindi madeny ang application ng visa sa ibang bansa dahil sa magkaibang signature sa visa application mo at sa passport na may umang signature mo.

5. Kailangan mo lagi sabihin sa mga katransaction mo o ka-officemate mo o kanegosyo mo na nagbago ka na ng signature.

6. Magkakaroon ng kalituhan sa luma at bagong signature mo ang mga employees at iba pang tao na malapit sa iyo.

7. Kailangan mo na baguhin ang last will and testament mo upang hindi magkaroon ng confusion sa pagpapatupad nito sa korte dahil malaki ang posibilidad na ito ay ipawalang bisa ng korte.

8. Dapat mo na iinform in writing ang mga insurance company at iba pang companies na merong kang transaction.

9. Dapat mong iinform din ang mga government agencies sa change ng signature mo tulad ng SSS, Philhealth, Pag-ibig at iba pa.

Marami pang iba na epekto ang pagbabago ng iyong signature at ito ay marahil na malaking trabaho sa isang tao.

Article 171. Falsification by public officer, employee or notary or ecclesiastic minister. – The penalty of prision mayor and a fine not to exceed P5,000 pesos shall be imposed upon any public officer, employee, or notary who, taking advantage of his official position, shall falsify a document by committing any of the following acts:

1. Counterfeiting or imitating any handwriting, signature or rubric;

2. Causing it to appear that persons have participated in any act or proceeding when they did not in fact so participate;

3. Attributing to persons who have participated in an act or proceeding statements other than those in fact made by them;

4. Making untruthful statements in a narration of facts;

5. Altering true dates;

6. Making any alteration or intercalation in a genuine document which changes its meaning;

7. Issuing in an authenticated form a document purporting to be a copy of an original document when no such original exists, or including in such a copy a statement contrary to, or different from, that of the genuine original; or

8. Intercalating any instrument or note relative to the issuance thereof in a protocol, registry, or official book.

The same penalty shall be imposed upon any ecclesiastical minister who shall commit any of the offenses enumerated in the preceding paragraphs of this article, with respect to any record or document of such character that its falsification may affect the civil status of persons.

May falsification of document kung ginaya ang pirma o signature ng isang tao. Ang parusa sa falsification ay kulong na 6 months and 1 day to 6 years.

Kung merong katanungan o gustong magkonsulta ukol sa signature at falsification, visit www.e-lawyersonline.com.

Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online.


Leave a Reply