Sponsored Links
Advertisement

Anak ng OFW, Nagviral Dahil Sa Paggraduate Sa Kolehiyo


Isang anak ng OFW ang umani ng papuri matapos itong magpost ng pasasalamat sa kanyang ina. Ito ang kanyang post sa facebook na talagang nagkakainspire sa lahat. Sa comment section maraming nagsabing modelo ng kabataan ang kanyang katangian dahil sa kabila ng pagkawalay sa Nanay dahil sa pangingibang bayan hindi nawala ang pagmamahal at respeto niya dito. Nanatili siyang matatag at nagsikap na magtapos sa pag aaral bilang regalo niya sa sakripisyo ng kanyang Ina.

 

“MA, UWI KANA NG PINAS AKO NAMAN MAGTATRABAHO”

“Mabuti pa yung ‘sahod’ buwan buwan umuuwi ng pinas”
“Ako na naman magcecelebrate ng pasko at bagong taon mag isa”
“Ne, sobrang nakakapagod dito wala pakong kain nagkape lang ako”

Linyahang sobrang nagpapabigat ng pakiramdam… linyahang hindi ko dapat indahin yung pagod sa pag aaral. Madaling sabihin, madaling isulat, madaling bigkasin pero napaka imposible. Mas pinipili kong pauwiin siya kesa makatanggap ng ano mang materyal na bagay.

Sa murang edad nagpaka nanay sa tatlo kong kapatid, dati si mama gumagawa lahat, nung nagdesisyon siyang umalis ako sumalo lahat ng mga gawaing pang nanay. May mga oras na nasasabihan akong “mas mukha ka pang matanda kesa sa nanay mo” “mukha ka ng manang” yung pakiramdam na hindi mo na magawang mag ayos para sa sarili mo kase mas kailangan mong unahin yung mga kapatid mo. Pagka may gusto akong bilhin nagdadalawang isip ako kase dapat pag meron ako meron din sila. Yung realidad na mismo nagbukas sa isip ko na hindi dapat pansariling kagustuhan yung mauuna. Mas komportable ako sa salitang sila muna bago ako. Kung maraming nawala at kulang sakin simula noong mag-abroad siya, alam kong mas marami siyang tiniis at sakripisiyo sa malayong lugar para sa ikagagaan ng buhay namin at para mabigyan niya kami ng sapat na edukasyon.

Sobrang swerte ko sa papa ko sa loob ng apat na taon na pag aaral ng college na walang sawang paghahatid sakin at walang sawang pang unawa sakin. Hindi man niya nasasabi nang personal na mahal nya kaming mga anak nya, pero ramdam na ramdam namin yung pagaalaga niya sa amin. Hindi man maibigay ni papa yung mga luho na gusto namin minsan, at least nabibigay niya yung lahat na mas pangangailangan namin.

Ma, tumupad ako sa usapan nating kakayanin kong magtapos at hindi ako magloloko. Hindi lang ito para sakin para sa inyo to. Ma, oras na para ako naman yung tumulong…Salamat sa mga naging parte ng paglalakbay na ito, sa mga tumulong sakin at walang sawang sumuporta ( kaibigan, kaklase, professor, pinsan, ante, mga kakilala, pamilya at syempre sa nag iisang mahal ko ). Salamat.

Para naman sa mga OFW na masikap at matatapang na nagtatrabaho, isa lang sasabihin ko hindi niyo man marinig at makita naniniwala ako… at sana dumating yung araw na wala ng aalis ng bansa para makipagsapalaran. At sa mga pamilya ng mga nag OFW sana maintindihan at maunawaan niyo sila kung bakit sila umalis ng Pinas para sa ikagaganda ng buhay niyo.

I just got a phone call coming from you, congratulating me and saying “Ne, Salamat natupad mo yung pangarap ko, maging masaya ka nandyan naman sila papa mo” I can’t say anything you gave me a hardest feeling ever. I love you and I always will, no matter years or distance. I’m just here waiting for you..

It’s been you, Lord. I’m going to acknowledge you for all your blessings over me, I may not be the best but still the presence of support and love is in my heart. Thank you Lord to all answered prayers! Thank you

Source: Minerva Jane Borca

 


Leave a Reply