Sponsored Links
Advertisement

Paano Magsampa ng Kaso Sa Umutang Saiyo Na Hindi Dadaan sa Abogado?


 

 

MALIIT NA UTANG, PWEDE MO NG SINGILIN SA KORTE NA MABILIS AT MATIPID!

SA SMALL CLAIMS HINDI PWEDE ANG ABOGADO, IKAW LAMANG AT KALABAN MO!

Pinautang mo na, tinakbuhan ka pa, i-Small Claims mo siya!

Alamin mo dito kung paano at ang step-by-step na gagawin mo…….

Mayroon bang may utang sa iyo na hindi lalagpas sa halagang P300,000.00 na gusto mo singilin?

Hindi ka na ngayon gagastos sa abogado para lamang masingil ang pautang mo na hindi lalagpas sa halagang P300,000.00 dahil meron na tayong “COURT OF SMALL CLAIMS.”

Ang Small Claims Court at matipid ang paniningil ng utang na hindi lalagpas sa THREE HUNDRED THOUSAND PESOS (P300,000.00). Under S.C. Administrative Matter No. 08-8-7 otherwise known as “Rule of Procedure for Small Claims Cases”, as amended, ang isang utang galing sa pagpapaupa, pagpapahiram ng pera, serbisyo na ginawa, bentahan, sanglaan, kapabayaan o kontrata na ang sinisingil ay hindi lalagpas sa P300,000.00 ay pwedeng isampa sa Metropolitan Trial Court – Court of Small Claims kung saan gagawa lang ng complaint ang naniningil at agad na pasasagutin ang umutang. Pagkatapos ng isang hearing ay magdedesisyon na agad ang korte sa kaso.

Ito ang step-by-step procedure para sa pagsasampa ng small claims:

1. Pabarangay mo muna ang sisingilin mo na tao na umutang o may atrasong pera sayo kung pareho kayo ng barangay at kumuha ng Certificate to File Action.

2. Kumpletohin mo ang iyong hawak na ebidensiya at ihanda ang mga photocopy nito.

3. Puntahan ang online form na ito tinatatawag na “Statement of Claim” o Form 1-SCC at fill-up ng naayon sa iyong complaint o reklamo.

Here is the form – http://athenspe.dfa.gov.ph/…/2016_Small_Claims_-_Sample_For…

4. Pirmahan at ipa-notarize ang nafill-up mo na “Statement of Claim” o Form 1-SCC kasama ang Verification and Certification of Non-Forum Shopping o Form 1-A-SCC.

5. Pumunta sa Executive Clerk of Court ng Metropolitan Trial Court – Court of Small Claims at i-file ang “Statement of Claim” o Form 1-SCC. Bayaran ang filing fee o mag-apply ng exemption sa filing fee kung ikaw ay “indigent litigant” o “maralita na may kaso” sa pamamagitan ng Motion to Sue as Indigent Litigant (Ito ay nasa Form 6-SCC at hintayin na i-approve ng korte)

6. Padadalhan ng korte ng Summons at Notice of Hearing agad ang tao na kinasuhan mo at kung hindi pa sila nakatanggap, ikaw mismo ang uutusan ng korte ang mag-serve ng Summons at Notice of Hearing.

7. Isang beses lamang maghehearing at kailangan mo na pumunta sa hearing kung saan susubukan ng korte na magkasundo ang magkalaban. Kung ayaw nila, itutuloy ang hearing ng korte.

8. Pagkatapos ng isang hearing, ang korte ay may 24 hours o isang araw na palugit na mag-desisyon sa kaso nyo.

9. Anumang desisyon ng korte ay final at executory at hindi na pwedeng i-apela sa mataas na korte.

10. Kung ikaw ay nanalo sa desisyon ng korte, pwede mo na agad ipa-execute ito sa Sheriff sa pamamagitan ng paggamit ng Form 12-SCC (nasa link na binigay ko sa itaas).

11. Once na ipa-execute ng korte ang desisyon, pupunta ang Sheriff sa bahay ng may utang upang kunin ang mga properties na pwede niyang ibenta sa public auction para pambayad sa utang na sinasabi sa desisyon.

Matipid ito, dahil ikaw mismo ang tatayo sa husgado at makikipag-usap sa judge. Nasa Section 19 din ng rules na ito na bawal ang mga lawyer sa ganitong kaso except kung ang lawyer mismo ang nagsampa o sinampahan ng kaso.

Mabilis din ito dahil mga 2-3 months ay tapos ang kaso, depende sa bilis ng korte.

Kung kailangan mo ng guide mula sa abogado, get legal advice online! Register at www.lexmeet.com.

DOWNLOAD the Mobile App on App Store for iOS mobile at: http://bit.ly/LexMeetiOS or Google Play Store for Android at: http://bit.ly/LexMeet

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated


Leave a Reply