Sponsored Links
Advertisement

Tanong at Sagot Kung Paano Makakakuha ng Suporta para sa Anak


HOW TO FILE ECONOMIC ABUSE UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262  (Anti-Violence Against Women and their Children Act)

BATAS – IT’S GOOD TO KNOW ARTICLE (Revised version by LexMeet – Legal Help In A Click)

1. You should know the whereabouts of the father of your child (The exact home address or work location), for purposes of sending a demand letter.

If not or nasa abroad, send it to his immediate relatives (father/mother) and/or last known address nya. Send also sa email niya at private message sa social media (dahil electronic evidence yan) para mas madami evidence.

Kung walang demand letter o evidence of demand for support, R.A. 9262 will not apply.

2. Your children should be 18 years old and below except if your child will or is still studying in college or technical school, you can still claim support even if above 18 years old hanggang matapos ang schooling.

3. Hindi mo na kailangan ipa-barangay ang tatay dahil ito ay criminal case na may parusa na more than 1 year na kulong kaya exempted sa requirement ng Katarungang Pambarangay.

4. Go to a Police Station sa Women’s Desk sabihin nyo na magpa-file kayo ng economic abuse under RA9262 para gumawa sila ng blotter at ng inyong Sinumpaang Salaysay, ito ang complaint nyo o kaya kung may ginawa na kayo na sariling Sinumpaang Salaysay, pwede ka na dumiretso sa Prosecutor’s Office at isampa ito.

The process… after ng blotter o kunin ang Sinumpaang Salaysay ng police sila na ang mag aakyat ng kaso sa prosecutor’s office, then sila na ang magpapadala ng Subpoena sa tatay ng anak mo for Preliminary Investigation at kailangan sagutin nya ang reklamo mo. From there, the prosecutor will explain the gravity of the case and punishment if hindi mag susustento ang tatay sa kanyang anak.

RA9262 is a criminal case meaning may kulong pag napatunayan na intensyonal na walang sustentong ibinibigay ang ama sa kanyang anak. Ang parusa ay 6 years to 12 years imprisonment.

Very convenient for the victim dahil hindi ito gaanong magastos na proseso. Bakit sinabi ko na walang masyadong gastos?

1. No need for a lawyer, ang public prosecutor ang magiging abugado nyo dahil automatic yan sa isang criminal case ngunit kung gusto mo, pwede ka kumuha ng private prosecutor na isang private lawyer.

2. Ang RA9262 ay walang filing fee sa court, wala kang babayaran para mag file ng kaso.

Lets go back to the procedure.. most of the respondent ng RA9262 ay ayaw makulong kaya ang gagawin magsusustento na lang and make sure na pag nangako syang mag sustento this should be in writing para walang lusot.

Just remember, anumang kasulatan sa future support ay void under Article 2035 ng New Civil Code, kaya ang amount na pagkakasunduan ay hindi fix kundi depende sa needs ng bata at capacity ng tatay na pwedeng itaas o ibaba based sa pagtaas ng needs ng bata at capacity ng tatay. Ang ilalagay lamang dito ay ang estimated amount o kaya ang range of amount.

Common Questions:

1. Pano pag lumaban sa korte?

Madali lang yon kung wala syang proof na nag susustento sya REGULARLY tapos na agad ang kaso.

However, dahil proof beyond reasonable doubt ang requirement sa criminal case, kailangan mo patunayan pa rin sa korte na: (1) may paternity relation ang tatay sa bata; (2) may capacity to support ang tatay; (3) may demand na ginawa para sa suporta; at (4) hindi nagsuporta ang tatay kahit may demand to support.

2. Paano kung hindi inaako ng tatay ang anak o hindi nakapirma sa birth certificate o hindi naka-apelyido sa tatay ang anak?

Pwede pa rin as long as may evidence ka na siya ang tatay ng anak mo katulad ng DNA test, admission ng tatay sa mga dokumento, sa mga email, chat at social media, testimoniya ng witnesses na hayagan at patuloy na tinuturing ng tatay ang bata bilang anak at iba pang paraan na nasa Rules of Court para patunayan ang paternity.

3. Paano kung may pamilya na sya?

Kasal o hindi kasal kayo, may pamilya na o walang pamilya ang tatay, regardless sa status ng anak nyo legitimate or illegitimate, hindi nagbabago ang obligasyon ng suporta ng magulang. Your child has the right for support karapatan ng mga anak nyo yon. Mabigat ang batas ng RA9262, madaling proseso, wag nyong hayaan na maging irresponsable ang tatay ng mga anak nyo.

4. Paano kung nagbigay ng kundisyon ang tatay bago magsuporta sa anak?

Ang pagbibigay ng kundisyon ng tatay para lang sa pagsuporta ay malinaw na krimen ng economic abuse dahil ang obligation to support ng magulang sa anak ay absolute at hindi conditional.

5. Magkano ba dapat ang tamang suporta ng tatay para sa anak?

Walang fix na amount o porsiyento ang suporta dahil ito ay depende sa kakayahan o capacity ng magulang (hindi lamang ng tatay kundi ng nanay dahil ang suporta sa anak ay mutually shared ng magulang) at needs o pangangailangan ng bata.

I-compute mo ang estimated na suporta per month ng bata ng ganito: (1) I-compute mo ang basic necessities o yong pangangailangan ng bata sa isang buwan tulad ng food, medicine, education at shelter etc.; (2) I-divide mo sa two ang total monthly expenses ng bata; and (3) Ang kalahati ay obligasyon ng tatay at ang kalahati ay obligasyon ng nanay; (4) Tingnan ang capacity ng tatay at i-estimate kung ito ay kaya ng tatay. Kung ang suporta na binibigay ng tatay ay maliit o mababa sa kalahati at based sa estimate ng capacity to support ng tatay ay ito ay kayang ibigay, ang suporta ay matatawag na kulang. Ito ay case-to-case basis.

6. Paano kung wala talagang capacity to support?

Ang economic abuse under RA 9262 ay applicable lamang sa mga intensiyonal na paggamit ng suporta bilang instrumento ng karahasan sa mga babae at mga nak nila upang sila ay i-deprive o pilitin na gumawa ng mga gawain na hindi nila kagustuhan. Kung wala talaga capacity ang tatay, hindi sila pwede kasuhan.

“ANG BATA O ANAK NA ISINILANG NA HINDI KASAL ANG MAGULANG AY MAY KARAPATAN SA SUPORTA NG MAGULANG AT MAY KARAPATAN NA TUMANGGAP NG MANA KATUMBAS SA KALAHATI NG MATATANGGAP NG ISANG LEHITIMONG ANAK NG TATAY. ANG HINDI PAGSUPORTA SA ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY MAY PARUSANG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262.

ANG HINDI PAGSUPORTA NG TATAY SA ILLEGITIMATE NA ANAK AY HINDI DAHILAN UPANG IPAGKAIT ANG PAGPAPAKITA/PAGBISITA SA BATA AT ANG PAGSUPORTA SA BATA AY HINDI RIN DAHILAN UPANG SAPILITANG KUNIN NG TATAY ANG ILLEGITIMATE NA ANAK SA KANYANG NANAY, DAHIL ANG NANAY ANG MAY SOLE PARENTAL AUTHORITY SA BATA.

Meron na ba kayong na-encounter kung saan ginagawang kundisyon ng tatay na ibigay sa kanya o kunin ang illegitimate child mula sa nanay at kung hindi ibibigay ay hindi niya susuportahan ang bata? Meron din naman na mga nanay ng illegitimate child na pinagkakait ang pagpapakita o pagbisita ng tatay sa kanilang anak dahil hindi o maliit ang kanyang suporta.

Akala ng iba na ang kasal ng magulang ay isang requirement upang magkaroon ng karapatan sa suporta ang isang bata mula sa tatay. Kahit hindi kasal ang mga magulang ng bata ay may karapatan ang isang illegitimate child sa suporta ng tatay. Meron din siyang karapatan na tumanggap ng mana mula sa tatay katumbas ng kalahati ng mana na matatanggap ng isang legitimate child. Ito ay nasa Article 176 ng Family Code:

“Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. x x x”

Ang right to support ng isang anak ay wala dapat na kundisyon mula sa magulang kung kaya anuman ang gawin na kundisyon dito ay walang epekto sa batas. Dahil ang custody at parental authority ng isang illegitimate child ay binibigay sa nanay ng bata, ang tatay ng bata ay walang legal na basehan upang magbigay ng kundisyon para sa pagbibigay niya ng suporta. Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na “economic abuse”. Ito ay naiiba sa “psychological abuse” o “physical abuse” na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak.

Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng “economic abuse” kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months – 6 years imprisonment).”

We recommend na mag konsulta ka sa lawyer para mas mapag aralan kaso mo at mabigyan ka ng kumpleto at buong legal advice. Pwede ka kumuha ng LEGAL ADVICE sa link na ito https://www.lexmeet.com/invite/20add66 . Register ka lang at gamit ang computer dahil wala pa sa mobile app, click mo ang “LexMeter.”

Free po yan at marami lawyers na sasagot for free” gamit ang computer dahil wala pa sa mobile app, click mo ang “LexMeter” para mas malaman ang iyong mga rights at obligation sa batas at malaman ang mga requirements o dokumento o evidence para sa pagsasampa ng economic abuse.

DOWNLOAD the Mobile App on App Store for iOS mobile at: http://bit.ly/LexMeetiOSor Google Play Store for Android at: http://bit.ly/LexMeet

Note: All copyright of this revised post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Original post is owned by Batas – Its Good to Know. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated. Do not steal the article as yours, Remember the law of karma, you will be unhappy!


Leave a Reply