Sponsored Links
Advertisement

Paano Magkaso Sa Paninirang Puri sa Social Media?


Cyberlibel o Paninirang Puri sa Internet o Post sa Facebook etc. Alamin mo paano magkaso, ito na Legal Help mo!

Siniraan ang puri mo sa Facebook post nya, ano gagawin mo? Ito ang step-by-step process para makakuha ng evidence at makasuhan mo sya ng criminal case na Cyberlibel at maipakulong:

1. I-screenshot ang buong Facebook post nya na may paninira sayo.

2. Isama ang kanyang FB profile picture para malinaw ang evidence na sya ang nag post;

3. Dapat isama din ang URL kung computer ang gamit mo sa pag screenshot;

4. Dapat mag screenshot ka rin ng kanyang FB profile account

5. Huwag i-edit o lagyan ng anumang words or mark ang screenshot;

6. Kumuha ng common friends nyo sa Facebook para mag testify at mag identify na sya talaga ang may-ari ng FB account na nagpost ng paninira sayo;

7. Kung wala common friends o anonymous account o hindi mo maidentify ang owner, go to Anti-Cybercrime Division ng NBI or PNP-CIDG para ma-identify ng computer forensic experts nila;

Ang pagkakaroon ng Facebook account ay hindi nagbibigay ng lisensiya sa may-ari nito na gamitin ito na makakasira sa buhay at reputasyon ng ibang tao. Ang post, comment o twit na may pagmumura o paninirang puri sa isang tao sa Facebook, Twitter o iba pang social networking sites o internet ay isang krimen na “cyberlibel”. Ang nasabing post, comment o twit ay isang electronic evidence na tinatanggap na sa korte bilang ebidensiya ng libel at pwede na itong magamit laban sa taong nagpost nito sa internet.

Ito ang tinatawag na Cyberlibel na pinaparusahan sa Section 4 (c) (4) ng “Cybercrime Prevention Act of 2012″ o Republic Act No. 10175 at sinasabi dito na ang cyber libel ay hango sa Revised Penal Code, Article 353. Ito ay isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o circumstances kung saan ito ay nadishonor, pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon sa pamamagitan ng internet at computer.

Ayon sa “Cybercrime Prevention Act of 2012″ kung saan ang “Libel” ay isinama bilang isang uri ng “Cybercrime”, pinapaparusahan ng kulong ang gumawa nito ng hindi bababa sa 6 months and 1 day at hindi lalampas na 6 years na pagkakakulong.

Now, meron ka na evidence para kasuhan siya, pwede mo na ito isampa bilang isang criminal case.

8. Gamit ang mga evidence mo, gumawa ng Complaint Affidavit o Sinumpaang Salaysay kung saan dapat ikwento ang buong pangyayari before, during at after ng posting ng paninira sa FB at elemento ng krimen. Para makasiguro, humingi ng tulong sa lawyer sa paggawa nito;

9. Hindi mo kailangan na ipa-barangay ang kalaban mo dahil exempted ang Cyberlibel sa requirement ng barangay hearing.
10. I-file ang Complaint Affidavit o Sinumpaang Salaysay sa Prosecutor’s Office o Fiscal’s Office.

11. Hintayin ang Subpoena ng Prosecutor’s Office o Fiscal’s Office para sa hearing ng preliminary investigation.

12. Maglalabas ng resolution ang investigating prosecutor at kung ang decision ng Prosecutor’s Office o Fiscal’s Office ay iakyat sa korte, ang criminal information ay isasampa sa Regional Trial Court;

13. Mag-iissue ang korte ng warrant of arrest sa akusado para sya ay panagutin sa hukuman at doon magpresenta ng evidence ang complainant;

14. Ang cyberlibel ay kailangan maisampa sa prosecutor office
within one year mula ng ipost sa Facebook ang paninirang puri. If more than one year na, hindi na pwede.

Kung kumpleto ka ng evidence, madali mo lang maipakulong ang nanirang puri sa iyo sa Facebook. Maraming maimbentong depensa ang kalaban mo pero kung matibay evidence mo, wala silang lusot sa korte.

Paano kung i-delete nila?

Ok lang na i-delete nila ang post as long as meron ka na screenshot nito dahil ito ang electronic evidence mo laban sa kanya.

Kung gusto nyo ng legal advice tungkol sa Cyberlibel, get legal advice online! Register at www.lexmeet.com.

DOWNLOAD the Mobile App on App Store for iOS mobile at: http://bit.ly/LexMeetiOS or Google Play Store for Android at: http://bit.ly/LexMeet

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated. Do not steal the article as yours, Remember the law of karma, you will be unhappy!


Leave a Reply