Sponsored Links
Advertisement

Totoong Bang Kapag 10 Taon ng Hiwalay, Wala Nang Bisa Ang Kasal?


Noon, kayo ay kinasal, nagkagalit at naghiwalay. Lumipas ang 10 taon na hiwalay at walang komunikasyon, may bisa pa ba ang kasal nyo?

Alam mo ba na walang provision sa Family Code o walang batas sa Pilipinas na nagsasabi na ang epekto o bisa ng kasal ay nawawala dahil lang sa tagal ng paghihiwalay ng mag-asawa o tagal ng kawalan ng komunikasyon ng dalawa. Kahit 100 years nang walang komunikasyon o hiwalay ang mag-asawa, as long as na buhay pa sila ay may bisa pa rin ang kasal nila at hindi sila pwedeng magpakasal muli sa ibang tao hanggat hindi napapa-annul ang kasal nila sa korte.

Ang Article 1 ng Family Code ay nagdefine ng “kasal” o “marriage” bilang isang special contract ng permanenteng pagsasama (PERMANENT UNION) sa pagitan ng lalaki at babae ng naayon sa batas para sa pagtatayo ng buhay may asawa at pamilya. Ito ang pundasyon ng pamilya at hindi mabubuwag na institusyong sosyal kung saan ang saysay, bunga at insidente nito ay pinapamahalaan ng batas at hindi maaring pagkasunduan ng mag-asawa kundi ang kanilang relasyon sa ari-arian na pwedeng pagkasunduan bago sila ikasal.

As long as kinasal ang isang babae at lalaki, kahit hindi sila nagsama at kahit hindi narehistro ang kanilang marriage contract sa NSO at kahit matagal silang nagkahiwalay, patuloy pa rin na may bisa ang kasal nila. Dahil ang “marriage” o “kasal” ay permanente, ang kontrata na ito ay walang expiration period at hindi nawawala ang bisa nito hanggat hindi napapa-annul ang kasal nila sa korte.

Kahit pa null and void ang isang kasal ay kailangan pa rin na pumunta sa korte upang ito ay ideklarang walang bisa. Nasa Article 40 ng Family Code, “the absolute nullity of a previous marriage may be invoked FOR PURPOSES OF REMARRIAGE on the basis solely of a FINAL JUDGMENT declaring such previous marriage void.” Ibig sabihin, kailangan muna may final na decision ang korte na void talaga ang marriage bago ka magpakasal muli. Ang void marriages, although ito ay void from the very beginning, ito ay mananatiling valid at hindi pwedeng magpakasal muli hanggat hindi na-annulled ito sa korte. Hindi pinapayagan ng batas na magdecision sa sarili nila ang mag-asawa na void ang marriage nila dahil korte lang ang may power na magdecide na void talaga ang marriage nila.

I-SHARE MO SA MGA FRIEND MO RIN NA MATAGAL NA HIWALAY AT NAGBABALAK MAGPAKASAL MULI

I-LEXMEET MO NA YAN!

Case-to-case basis yan at if gusto makasigurado, magkonsulta sa abogado sa www.lexmeet.com. DOWNLOAD mobile app now at: http://bit.ly/LexMeet

Alamin mo ang rights at obligation mo sa batas. Alamin din mga requirement o dokumento o evidence para sa process ng declaration of nullity of marriage o annulment of marriage.

All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.


Leave a Reply