Sponsored Links
Advertisement

Gaano Kasustansiya Ang Hipon


Hipon Masustansya
Payo ni Doc Willie Ong

Ang hipon ay mababa sa calories at masustansyang alternatibong pamalit sa protina ng karne.
Ang hipon ay mabuting pinagkukunan ng protina at selenium, vitamin D, vitamin B12, Iron, phosphorus, omega-3 fatty acids, niacin, zinc, copper at magnesium.

Mga Benepisyo sa Kalusugan:

1. Ang hipon ay low-fat at low calorie protein. Ang 4 ounces ng hipon ay nagsu-suplay ng 23.7 grams ng protein para sa 112 calories lamang at mas mababang grams ng fat.

2. Ang hipon ay magandang pinagmumulan ng omega-3 fatty acids para mabawasan ang panganib sa sakit sa puso at kolesterol sa dugo. Posible ring mapagaan ang mga sintomas ng premenstrual syndrome, pigilan ang pagdevelop ng rheumatoid arthritis at tumutulong na maiwasan ang Alzheimer’s disease.

3. Ang hipon ay napakahusay na mapagkukunan ng vitamin D, na kailangan sa pag-absorb ng calcium at phosphorus, para tumibay ang ngipin at buto.

4. Ang hipon ay mahusay na mapagkukunan ng vitamin B12. Ito ay mahalaga para sa tamang pag-andar ng utak at pagbuo ng mga selula ng dugo.

5. Ang hipon ay magandang pinagmumulan ng selenium. Pinapahina nito ang nakapipinsalang epekto ng free radical na siyang pangunahing sanhi ng kanser.

Tip sa Pagbili ng Hipon:
1. Ang sariwang hipon ay dapat matigas ang katawan na naka-dikit pa rin sa kanilang mga shell.
2. Dapat walang itim na mga spot sa mga shell dahil ito ay nagpapahiwatig na ang laman ay pabulok na.
3. Pagkabili ng hipon o iba pang pagkaing-dagat, ilagay agad sa refrigerator. Maaaring tumagal ng 1 hanggang 2 araw ang sariwang hipon.
4. Maaaring i-extend ang shelf life ng hipon kung ilalagay sa freezer at balutin nang maayos sa plastic.
5. Para i-defrost ang hipon ilagay ito sa mangkok ng malamig na tubig. Huwag i-microwave dahil pwedeng mawala ang nutrients.


Leave a Reply