Sponsored Links
Advertisement

Nakabuntis si Mister ng Ibang Babae, Makakasuhan Ba Siya?


Nakabuntis si Mister ng ibang babae, makakasuhan ba siya o hindi?

Marami ang may experience nang ganito, kasal si Mister at nakabuntis ng ibang babae. Sabi ng iba kulong agad at sabi ng iba, wala naman daw kaso.

Let’s discuss here kung ano ba talaga legal liability ni Mister….read more sa post!

ANG PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON NG ISANG KASAL NA LALAKI SA BABAE NA HINDI NIYA ASAWA AT PAGBABAHAY DITO SA BAHAY NIYA O SA IBANG LUGAR O PAGKAKAROON MG ESKANDALOSONG RELASYON AY ISANG KRIMEN NA CONCUBINAGE NA MAY PARUSANG KULONG.

ANG PAGKAKAROON NG ANAK NG ISANG KASAL NA LALAKI SA IBANG BABAE O BIRTH CERTIFICATE NG ANAK SA IBANG BABAE HABANG KASAL AY HINDI AGAD MASASABI NA ISA ITONG KASO NG CONCUBINAGE DAHIL ANG PINAPARUSAHAN DITO AY ANG PAGBABAHAY NG KABIT O PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON NA MAY ESKANDALOSONG PANGYAYARI. ANG CONCUBINAGE AY HINDI GROUND SA ANNULMENT AT ANG PAGKAKAROON NG ANAK SA IBANG BABAE AY HINDI AGAD NA MASASABING CONCUBINAGE.

Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang maikakaso sa isang kasal na lalaki na nagkarelasyong sekswal sa isang babae na hindi niya asawa o nagkaanak siya sa isang babae na hindi niya asawa at ito ay binahay niya o nagsasama sila sa iisang bubong. Meron din nagtatanong kung ano ba ang malakas na evidence para kasuhan ang lalaking nakiapid.

Ayon sa Article 334 ng Revised Penal Code – Concubinage. – Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods. The concubine shall suffer the penalty of destierro.

Ang concubinage o pakikiapid ng isang kasal na lalaki sa ibang babae ay isang krimen kung saan ang pinaparusahan ay ang kanyang pagbabahay sa kabit sa mismong bahay ng mag-asawa, o pagkakaroon ng eskandalosong sekswal na relasyon sa kabit o pagbabahay sa ibang lugar kung saan sila ay nagpapakilala na legal husband and wife.

Ang mahalagang evidence ng concubinage ay ang picture o video kung saan makikita na ang lalaki at ang kanyang kabit ay magkasama sa isang bahay at mga witnessess na magtetestify tungkol sa kanilang pagsasama. Ang parusa ng lalaki ay prision correcional o pagkakakulong ng 6 months and 1 day to 6 years ngunit ang parusa sa kabit ay destierro o pagpapapaalis o pagbabawal sa kanya na pumunta sa municipality kung saan nandoon ang pamilya ng lalaki o babaeng asawa. Samakatuwid, ang kabit ay hindi makukulong.

Ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ay hindi nangangahulugan agad ng kasong concubinage. Kung kaya ang pagkakaroon ng anak sa ibang babae ay hindi agad matatawag na concubinage dahil hindi ang pagkakaroon ng anak sa kabit pinaparusahan ng batas kundi ang pagbabahay ng kabit.

Ganun din, ang concubinage ay hindi ground sa annulment dahil hindi ito nakalagay sa Family Code bilang ground. Ang adultery at concubinage ay private crimes na ibig sabihin na hindi ito maiisampa sa korte kung wala ang kooperasyon ng asawang biktima.

Ano ang iba pang mga legal liability ni Mister sa nabuntis na babae at sa Misis nya?

1. May obligasyon si Mister na suportahan ang bata hanggang matapos ng college;
2. May obligasyon si Mister na suportahan ang babae sa panganganak;
3. Pwede siya singilin ng danyos ni Misis for moral damages;
4. Pwede gamitin ni Misis na ground for legal separation;
5. Pwede gamitin ni Misis na ground for sole custody ng mga legitimate children nila;
6. Pwede gamitin na evidence for another criminal case for psychological abuse under RA 9262 if it is habitual;

Ang discussion na ito ay for general information only at ang kaso mo ay case-to-case basis na dapat isangguni sa lawyer. Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa concubinage at kailangan na dokumento dito, register at www.lexmeet.com.

DOWNLOAD the Mobile App on App Store for iOS mobile at: http://bit.ly/LexMeetiOS or Google Play Store for Android at: http://bit.ly/LexMeet

Note: All copyright of this revised post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Original post is owned by Batas – Its Good to Know. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated. Do not steal the article as yours, Remember the law of karma, you will be unhappy!

If you like our article and you want to continue reading our post, Like us in Facebook, Follow us in Twitter and Instagram and register in LexMeet and be a member of LexMeet community. #concubinage #RA9262


Leave a Reply