Sponsored Links
Advertisement

Bea sa paglalakad nang mag-isa sa red carpet ng ABS-CBN Ball: It’s empowering, liberating


Sa loob ng humigit-kumulang isang dekada, nitong nakaraamg ABS-CBN Ball lamang ulit naglakad nang mag-isa sa red carpet ang aktres na si Bea Alonzo. Kumusta kaya ang experience na ito para sa aktres na palaging mayroong kasamang date sa mga red carpet event?

Sa isang panayam, kinumusta ng mga mamamahayag si Bea; na kahihiwalay lamang sa aktor na si Gerald Anderson, na na-link sa ka-love team nito sa isang pelikula na si Julia Barretto.

“I just realized it’s my first time to actually walk on the red carpet alone after ten years. So it feels great naman,” wika ng aktres. “It’s actually empowering, it’s liberating, and I’m enjoying it.”

Bukod kay Bea, mag-isa rin naglakad sa red carpet si Julia.

https://www.instagram.com/p/B2bes0Qp9R1/

Matatandaang ilang beses binigyang-diin ni Julia na wala siyang kahit anong ugnayan sa ex-boyfriend ni Bea na si Gerald. Naglabas din ito ng statement para linawin ang mga alegasyong kinahaharap niya.

Katulad ni Julia, wala rin kasamang date ang dati niyang kasintahan na si Joshua Garcia. Sa mga naunang panayam, sinabi nina Julia at Joshua na bagama’t natapos ang relasyon nila ay nananatili pa rin silang matalik na magkaibigan.

Samantala, maging si Gerald ay wala ring date sa nasabing event pero kasama naman niya ang kanyang co-stars sa upcoming television series na A Soldier’s Heart; sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Nash Aguas, at Yves Flores.

Iisa lang naman ang hangad ng kanya-kanya nilang supporters: sana ay na-enjoy nila ang ABS-CBN Ball pagkatapos ng lahat ng nangyari.


Leave a Reply