Sponsored Links
Advertisement

Eco-friendly campaign: Plastik na basura, bigas ang kapalit sa Muntinlupa


Sa paglalayon na malutas ang problema sa plastik, isang barangay sa Muntinlupa City ang nagbibigay ng isang kilong bigas kapalit ng dalawang kilo ng plastic waste.

Ayon sa ABS-CBN,  nakita sa mga pag-aaral na isa ang Pilipinas sa top marine plastic polluters sa buong mundo; sapagkat ang mga batas daw ay poorly enforced at walang regulasyon sa packaging manufacturing.

Masayang-masaya naman ang mga residente sa bagong patakarang ito. Anila, malaki ang matutulong sa kanila nito.

Kuwento ng residenteng si Veronica Dolorico, 14 kilos ng basura ang naipatimbang niya kaya nakakuha siya ng pitong kilo ng bigas. Malaking tulong daw ito sa kanila.

Gayunman, pakiramdam daw niya tuloy ay marumi masyado ang kanilang paligid. Sana raw ay may magawa pa siya para rito. Kung maaari nga raw sana ay kukuha na siya ng mga plastik na basura sa daan.

Matatandaang ang presyo ng isang kilong bigas ay naglalaro sa P30 hanggang P40 pesos.

Samantala, dahil sa lumalalang problema sa plastic waste, may mga nag-iisip na rin ng paraan para makatulong sa kalikasan. Katulad na lamang ng paggawa ng upuan mula sa mga plastik na basura. Sa halip na itapon, nagkakaroon pa ito ng pakinabang.


Leave a Reply