Sponsored Links
Advertisement

Sikreto sa long life ng 100-year-old igorot: Kamote, saging, at kalabasa


Pangarap ng lahat ang pagkakaroon ng mahabang buhay; mabuhay nang maraming taon nang walang iniindang karamdaman, makasama ang pamilya at magawa ang iba pang mga bagay na nagpapasaya sa atin.

Ano nga ba ang sikreto sa pagkakaroon ng mahabang buhay? Ayon sa isang 100-year-old na igorot, simple lamang: kamote, saging, at kalabasa.

Sa lugar nina Herbert Malecdan Todyog, sila mismo ang nagtatanim ng mga ito, kaya naman wala siyang problema kung pagkain ng mga masusustansyang pagkain ang pag-uusapan.

One hundred-year old Todyog can still walk and has clear eyesight. The simple living in the village–eating organically-grown food like camote, banana, squash and legumes which they themselves plant and grow–is believed to be the reason of his long life much so that he was never hospitalized,” ayon sa post ng Municipality of Bontoc.

Kamakailan lang ay nakatanggap si Todyog ng P100,000 incentive mula sa Department of Social Welfare and Development; isang pabuyang ibinibigay sa mga may edad 100 taong gulang pataas.

Ayon kay Social Welfare Officer III Araceli Shane Bayanos ng Municipal Social Welfare and Development Office biniyayaan si Todyog ng isang biological child; kung saan siya nagkaroon ng apat na apo. Mula sa kanyang mga apo, nagkaroon siya ng 23 great grandchildren at walong great-great grandchildren.

Mayroon din siyang adopted daughter, na kasalukuyang nasa Baguio City. Regular na dinadalaw siya nito, kasama ang kanyang mga apo.

Dahil malakas pa ang pangangatawan, pinagbigyan siya ng pamilya sa kagustuhan niya na mamuhay nang mag-isa, at pinupuntahan na lamang siya para alamin kung mayroon bang kailangan mula sa kanila.

https://www.facebook.com/bontocmp/photos/a.821950484499337/2413788208648882/?type=3&theater


Leave a Reply